Senior Citizens sa bayan ng Quezon, ikinatuwa ang pagbisita ni Gov. Cherry sa kanilang Christmas Party

Pinasaya ng ina ng lalawigan, Gov. Czarina “Cherry” Umali ang mga senior citizen sa bayan ng Quezon nang bumisita ito sa kanilang general assembly at Christmas party nitong Lunes, December 4 sa Danding Joson Gymnasium.

Sinamantala ng mga Senior Citizens ang pagbisita ni Gov. Czarina Umali upang makipagselfie sa gobernadora na labis nilang ikinatuwa

Sa kabila ng mahigpit na iskedyul ni Gov. Cherry ay nakisaya pa rin ito sa mga senior citizen kaya naman ipinagpapasalamat ito ng mga lolo at lola.

Para naman sa gobernadora, isang biyaya para sa kaniya ang magkaroon ng pagkakataon upang makapiling ang mga senior citizen kaya naman ikinalugod nito ang naging paanyaya sa kaniya.

Bukod sa saying hatid ni Gov. Umali ay naghandog din ang pamahalaang panlalawigan ng mga munting regalo para sa kanila.

Sumayaw ang mga Senior Citizen sa iba’t-ibang saliw ng musika upang maipakita ang kanilang mga talento.

Samantala, nagpakita ang mga senior citizen ng kanilang talento sa pamamagitan ng pagsasayaw ng folk dance, modern dance at pag-awit ng iba’t-ibang mga kanta. –Ulat ni Irish Pangilinan