14 na kandidato at kandidata sa Mr. and Ms. AMA 2017, nagtagisan ng galing sa pagrampa at pagsagot sa question & answer portion

Sa pagdiriwang ng Ika 37th Founding Anniversary ng Ama College Cabanatuan kamakailan ay  nagpamalas ng galing sa pagrampa ang mga kanidato at kandidata ng Mr and Miss ama 2017 sa entablado suot ang ibat-ibang attire.

Rumampa ang mga kalahok suot ang kanilang casual attire, swimwear, formal attire at long gown.

Nagtagisan din ng talino ang labing apat na kalahok sa Question and Answer Portion, kung saan tumatak ang sagot ni candidate # 5 and 6.

Nakamit nina Kathleen Marcelo ng Bsit at Cristoper Jay Javate ng Abm ang 2nd runner up, 1st runner up si Aira Mae Irabon ng Abm at Bobby Ferrer ng Bsit, habang ang itinaghal na Mr and Miss Ama 2017 ay sina Jefferson De Leon ng Bs Computer Engineering at ni Salini Tiamudu ng Bs Computer Engineering.

Laking pasasalamat naman ng dalawang kampeon sa lahat ng sumuporta sa kanila.

Ang itinanghal na Mr and Miss Ama 2017 ay siyang ipanglalaban bilang Ambassador ng Ama Cabanatuan campus sa ibat-ibang branches ng naturang unibersidad.

Ayon kay Arnel Antonio Sevilia, College Dean ng Ama Computer College Cabanatuan, ang layunin ng patimpalak na ito na itampok ang galing ng mga estudyante hindi lamang sa larangan ng computer kundi maging sa patimpalak na tulad nito. -Ulat ni Phia Sagat