Mga batang mang-aawit, nagtanghal para sa isang charity recital concert

Nagsama-sama ang himig ng mga munting mang-aawit para sa isang charity recital concert na pinamagatang “We are the Light of the World” nitong November 30 sa NE Pacific Mall.

Ang nasabing concert ay binubuo ng mga batang mula sa “Coach Gracie Capalad Vocal Workshop”, isang training center sa bayan ng San Antonio na may layuning mahubog ang susunod na henerasyon na may dedikasyon sa kanilang ginagawa at may puso para magbahagi sa iba.

Dagdag pa ni Coach Gracie, ang kanilang event ay hindi lamang nagnanais na mapaunlad ang talento ng mga bata, mithiin din nila niya na makatulong sa nangangailangan. Ayon dito, ang kalahati ng malilikom mula sa fund raising at concert ay ibibigay nila sa kanilang benepisyaryo na isang batang may clubfoot para sa operasyon nito.

Para naman sa mga magulang ng mga batang nagtanghal, masaya sila na naipapakita ng kanilang mga anak ang kanilang talent kasabay ng pagbabahagi ng tulong sa iba

Nagpasalamat din ang mga bata para sa pagtitiyaga at pagtuturo ng kanilang coach.  –Ulat ni Irish Pangilinan