Giant Christmas Tree na hugis bilog, bagong atraksyon sa Bayan ng Talavera

Malalaking hugis bilog na kulay pula at dilaw na Giant Christmas Tree, ang bagong atraksyon ngayon sa Bayan ng Talavera.

Sa Unang Araw ng Disyembre ay sabay-sabay na pinailawan ang mga makukulay na parol at disenyo na nakapalibot sa buong simbahan at munisipyo.

Sa pahayag ng Lokal na Pamahalaan, ang hugis bilog daw ay sumisimbolo ng good luck sa mga susunod na taon upang mas lalong sumagana at umasenso ang Talavera.

Ayon kay Mayor Nerivi Santos-Martinez, ang mga kulay naman na dilaw at pula ay sumisimbolo ng pag-asa at pagmamahal ngayong pasko.

Tuwang-tuwa namang pinagkaguluhan ng mga chikiting ang mga ipinamimigay na candies at chocolates ng Punong Bayan na isa nang tradisyon.

Kasabay ng pagpapailaw, ay binuksan rin ang kauna-unahang Night Market sa harap ng Munisipyo. Kung saan, makakabili ng mga gamit sa murang halaga.

Aniya, layunin na matulungan na kumita ang mga malilit na negosyante sa naturang bayan.

Mula alas-sais hanggang alas-dose ng gabi ay maaari ng pasyalan ang makulay na pailaw.- Ulat ni Danira Gabriel