Mga koponang pasok sa semis ng Men and Women’s Volleyball, kilalanin

Muling pinakita ng CLSU Green Cobras ang kanilang matinding kamandag upang mapanatili ang kanilang unang pwesto at madepensahan ang kanilang titulo sa Men’s Volleyball.

Tinalo ng Green Cobras ang walong koponang kasali sa nasabing palaro.

Sinundan naman ito ng NEUST Phoenix na umukit ng 7 panalo at isang talo na nakamit sa CLSU Green Cobras. Habang may parehong 5 panalo at tig-3 talo ang nakuha ng WUP Riders at CIC Kings.

TEAM WIN LOSS
CLSU GREEN COBRAS 8 0
NEUST PHOENIX 7 1
WUP RIDERS 5 3
CIC KINGS 5 3
ELJMC BLACK RAVENS 4 4
CRT BLUE FOX 3 5
ACLC TITANS GAPAN 2 6
MVGFC AMBASSADORS 1 7
LA FORTUNA SPARTANS 0 8

Team Standing Men’s Volleyball

Samantala, muling naibalik ng CRT Blue Fox ang kanilang bangis sa court upang pagharian ang Women’s Volleyball kung saan nagawang padapain ang pitong koponan.

Umakyat naman sa pangalawang pwesto ang WUP Riders na may 6 na panalo at isang talo.

Nasa ikatlong pwesto ang defending champion ang NEUST Phoenix na may 5 panalo at 2 talo at ELJMC Black Ravens para sa ika-apat na pwesto na may 4 na panalo at 3 talo.

TEAM WIN LOSS
CRT BLUE FOX 7 0
WUP RIDERS 6 1
NEUST PHOENIX 5 2
ELJMC BLACK RAVENS 4 3
ACLC TITANS GAPAN 3 4
MVGFC AMBASSADORS 2 5
CIC KINGS 1 6
LA FORTUNA SPARTANS 0 7

Team Standing Women’s Volleyball

Nakatakdang magharap ang mga koponan sa November 13, 2017 para sa pangalawang araw ng semi-finals ng Men and Women’s Volleyball ng Nueva Ecija Collegiate Sports League Season 6.- Ulat ni Shane Tolentino