2000 4Ps members, nakiisa sa prayer meeting sa bayan ng Zaragoza; Kitchen on Wheels, naghatid ng serbisyo

Hawak kamay na umawit at sumayaw ng papuri ang dalawang libong miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa ginanap na a Christian Life Evangelism Program sa bayan ng Zaragoza, kamakailan.

Taimtim na nagdasal ang bawat isa at isinama sa kanilang panalangin ang mga kababayang dumaranas ng iba’t ibang uri ng karamdaman.
Umabot ng mahigit sa dalawang oras ang Prayer Meeting na naglalayong ilapit sa panginoon ang kapatawaran ng kanilang mga kasalanan at mas umigting pa kanilang mga pananampalataya
Kasabay nito ay naghatid naman ng serbisyo ang Mobile Kusina ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa pamumuno ni Governor Czarina “Cherry” Umali.
Nagpapasalamat naman si Mariele j. Dela Cruz, empleyado ng munisipyo ng naturang bayan, kay Governor Cherry umali dahil sa ipinadalang Mobile Kitchen on Wheels na naghandog ng libreng meryenda para sa lahat ng mga 4p’s beneficiaies.
Nagbigay din siya ng mensahe sa lahat ng miyembro ng 4ps na patuloy nilang tulungan ang kanilang sarili upang maiangat ang antas ng kanilang pamumuhay.
-Sa Ulat ni Phia Sagat