Work immersion Program para sa mga Grade 12 students ng Nueva Ecija High School, ikinasa na

 Mahigit sa isang daan at limampung Grade 12 students sa ilalim ng TVL o Technical-Vocational-Livelihood Track ng Nueva Ecija High School ang nakatakdang ideploy ngayong Second Semester sa iba’t ibang Kompanya, Institusyon at ilang Government Offices para sa Work Immersion Program ng Department of Education.

Kabilang ang NETV48, Nueva Ecija Police Provincial Office, National Food Authority Provincial at Regional Office, NIA-UPRIIS Division III sa napili ng eskwelahan bilang kapartner para sa Information and Communications Technology Immersion, habang ilang mga kilalang restaurants din sa Lungsod ng Cabanatuan ang kanilang napili para  naman sa Food and Beverage Immersion at iba pa.

Ayon kay School Principal II Johnny Bacani, layunin ng programa na maihanda ang mga estudyante at mabigyan ng tamang training o kaalaman na aangkop sa pangangailangan ng work force ng probinsya upang pagkagraduate ng mga ito ay may sigurado silang mapapasukang trabaho kahit na hindi tumuntong ng Kolehiyo.

Walumpong oras o katumbas ng sampong araw ang work immersion program kung saan makikihalubilo at mag-oobserba ang mga estudyante sa working place na pagdedeployan sa mga ito.

Nagpahayag naman ng suporta si Cabanatuan Vice Mayor Anthony Umali dahil makatutulong aniya ang nasabing programa sa mga estudyanteng planong tumuntong ng Kolehiyo na makapamili o makapagdeisiyon ng kursong maaari nitong kunin.

Sinabi din nito na bukas ang City Government na maging kapartner ng eskwelahan para sa ganitong uri ng mga program na mas higit na makapagbibigay ng kamalayan para sa mga mag-aaral.

Binanggit din ng Bise Alkalde ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Language Skills Institute na mayroon ang Provincial Government upang mahasa ang communication skills at mas maihanda ang mga graduating students para sa pafghahanap ng trabaho.

Matapos ang discussion ay nagkaroon ng MOA signing sa pagitan ng mga kaprtners, City Government Officials at ng NEHS bilang suporta sa Work immersion Program.—Ulat ni Jovelyn Astrero