Pagsira o pagsunog sa pera, labag sa batas batay sa Presidential Decree 247

Makikita sa larawan ang mga Philippine Peso Bill na sinulatan at may punit. Ang pagsira sa papel ay labag sa batas batay sa Presidential Decree 247.

Maituturing na labag sa batas ang pagsira, pagpunit, pagsulat at pagsunog sa peso bills at maging sa mga barya batay sa Presidential Decree 247.

Ayon kay Rodora Teresa Openiano, Senior Research Specialist ng BSP Cabanatuan, dapat bigyang halaga ng publiko ang perang papel at coins dahil makikita rito ang mga national heroes tulad nina Former President Manuel L. Quezon of 20 pesos, Former President Sergio Osmeñia of 50 pesos, Former President Manuel A. Roxas of 100 pesos, Former President Diosdado Macapagal of 200 pesos, Former President Corazon Aquino and Former Senator Benigno Aquino Jr ng 500 pesos, Vicente Lim, Josefa Llanes Escoda at Jose Abad Santos ng isang libong piso..

Hindi lamang mga national heroes ang makikita sa Philippine Peso Bill maging ang mga historical places na mayroon ang Pilipinas.

Nakasaad sa nasabing batas na ang sinumang lalabag ay maaaring patawan ng multa ng hindi

Ang batas (PD 247) na nagpapatunay na labag sa batas ang pagsira sa Philippine Peso Bill

Nakasaad sa nasabing batas na ang sinumang lalabag ay maaaring patawan ng multa ng hindi bababa sa 20,000 pesos at pagkakakulong ng hanggang limang taon.

Muli itong pinaalala ng BSP Cabanatuan matapos kumalat ang video ng panununog ng 50 peso bill noong nakaraang buwan.

Mapapanood dito ang isang grupo ng mga lalaki na tuwang-tuwa pa sa pagsusunog ng pera.

Hindi naman ito nagustuhan ng mga netizen kaya umani ito ng mga negatibong komento.

Nakilala na ang isa sa mga nagsunog ng Peso Bill at sinabing pekeng pera lamang ang kanilang sinunog.

Hanggang ngayon ay iniimbestigahan pa ng BSP ang nasabing insidente para sa karampatang aksyon.- Ulat ni Shane Tolentino