Taunang parada, isinagawa sa 49th Anniversary ng Tau Gamma Phi

Nagsagawa ng taunang parada ang Tau Gamma Phi sa Nueva Ecija sa pagdiriwang ng ika-apatnapo’t siyam na taong pagkakatatag ng kapatiran.

Sinimulan ang parada sa Sumacab Sur, Cabanatuan City kung saan nagtagpo at nagtipun-tipon muna ang mga council at chapter mula iba’t ibang bayan at lungsod sa lalawigan.

Ayon kay Napoleon Ramos, Governor General ng Provincial Council, naging tradisyon na ng kapatiran ng Tau Gamma ang pagparada taun-taon upang ipakita ang kanilang pwersa.

Masayang nagtipun-tipon ang mga council at chapter ng Nueva Ecija sa pagdiriwang ng 49th Founding Anniversary ng Tau Gamma Phi.

Kaugnay sa isyu ng hazing sa mga fraternity, pinag-uusapan na umano ng pamunuan kung paano ito maiiwasan.

Inikot ng daan-daang nakiisa sa parada ang Cabanatuan mula Sumacab Sur ay dumiretso sa Central Terminal, Mabini at General Luna Street, dumaan sa Freedom Park at Crossing, bumagtas sa Maharlika Highway kumaliwa sa mga barangay ng Valdefuente, Aduas, Bonifacio at City Hall.

Pagdating sa Vergara hi-way ay sumalubong ang iba pang council galing ng Sta. Rosa, Gapan, Aliaga, Quezon at Cabanatuan pagkatapos ay tumulak sa San Jose City kung saan ginanap ang isang programa. –Ulat ni Clariza de Guzman