Kauna-unahang mall sa Bayan ng Sta. Rosa, ibinukas na sa publiko

Grand Opening ng citymall sa Bayan ng Sta. Rosa pinangunahan ni Darren Espanto, Mga empleyado at may ari ng CityMall

Dumagsa ang daan daang mamamayan sa grand opening ng kauna-unahang CityMall sa bayan ng Sta. Rosa.

Pormal ng binuksan ang City Mall sa mamayan ng bayan ng Sta. Rosa

Pinagkaguluhan at inabangan ng mga fans ang performance ni Darren Espanto sa City Mall, habang pinangunahan naman ng actor na si Kristofer Martin ang ribbon cutting at blessing ceremony  ng isa sa mga tenant ng City Mall na E-Home Shopping Mall.

Hindi na kailangang lumuwas ng Maynila at makipagsiksikan sa mga tao para lamang makapamili ng mga murang produkto  na kadalasan ay sa Divisoria makikita, dahil dinala na ng E-home Shopping Mall ang mga dekalidad ngunit murang mga produkto sa bayan ng Sta. Rosa.

Ayon kay Area Manager Maricel Yap Salubre ng E-Home Shopping Mall, inaasahan nilang dadagsain talaga ng mga Novo Ecijano ang kanilang opening dahil sa mga hatid nilang mga paninda.

Pinangunahan naman ni  GMA Actor Kristofer Martin ang ribbon cutting sa E-Home kasabay ng pagbubukas ng CityMall

Dagdag nito, halos kahalintulad din ng mga kagamitan na mabibili sa Divisoria ang kanilang mga paninda, ang pagkakaiba ay airconditioned at mas komportable kang makapamimili sa kanila.

Dinala naman ng  E-Home ang mala-Divisoriang Shopping Mall sa bayan ng Sta. Rosa

Sinabi din nito na prayoridad ang mga mamamayan ng bayan ng Sta.  Rosa na makapasok bilang mga empleyado ng kanilang Mall, upang matulungan ang mga hindi nakapagtapos ng kolehiyo na mabigyan ng trabaho.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran