Masamang epekto ng sigarilyo at e-cigarette, parehas lang -Department of Internal Medicine ng Premiere Medical Center

Sa pagtaas ng presyo ng sigarilyo dahil sa patong-patong na tax na ipinapataw dito mas marami ng mga Pilipino ang pinipili ang e-cigarette o vape lalo na ang mga kabataan.

Ayon sa  2016 Asian Nations Adult Smoker E-cigarette Survey pito sa sampung Pilipino ang pabor sa vaping bilang isang mas mabuting  alternatibo kaysa sa paninigarilyo, gayunpaman sa pag-aaral ng Internal Medicine ng Premiere Medical Center parehas lang  ang masamang epekto ng  sigarilyo at E-cigarette.

Ilang kemikal na makikita sa sigarilyo mayroon din sa  electric cigarette

Ilan lamang sa kemikal na mayroon ang vape ay ang nicotine na maaari mo pang I-adust ang dami kung gagamit ka ng E- cigarette. Formaldehyde na ginagamit sa pag eembalsamo ng mga bangkay at maaaring maging dahilan ng leukemia at Diacetyl na ginagamit na pampalasa sa mga vape ay nagiging sanhi ng lung cancer ayon sa American Lung Association.

Paninigarilyo at Vaping, isang uri ng adiksyon

Dahil ang paninigarilyo at vaping ay isang uri ng adiksyon, Payo ni Dra. Gretel na unti-untiing baguhin ng isang smoker ang kanyang lifestyle para tuluyan ng maiwasan ang paninigarilyo o vaping- Ulat ni Amber Salazar