Paggawa ng pabango, patok na negosyo ng kababaihan ng Gabaldon

Isa sa mga patok na negosyo ang paggawa ng pabango. Dahil halos lahat ay gumagamit nito. Dagdag pa na ang produktong pabango ay hindi madaling masira kaya kahit hindi kaagad ito mabili ay hindi ka malulugi.

Ngunit sa kabila nito, marami pa ring natatakot na pasukin ang “perfume business” dahil sa kakulangan sa kaalaman at puhunan.

Ang kababaihan ng Gabaldon habang ipinapakita sa TV48 kung paano gumawa ng pabango.

Kaya naman may programa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija na tumutulong upang magkaroon ng livelihood project ang mga kababaihan katulad ng perfume making.

Dito sa Pilipinas, ang pabango ay itinuturing na billion pesos industry na mayorya ay designer inspired perfume o bersyon ng amoy ng mga imported na pabango na mas tinatangkilik dahil hamak na mas mura ang presyo nito. Para makalikha ng sariling linya ng pabango, kinakailangan ang mga angkop na sangkap at tamang impormasyon.

Ayon kay Konsehala Rosemarie Miguel, Pangulo ng Samahang Kababaihan ng Gabaldon, taong 2008 nila sinimulan ang kanilang kabuhayan sa paggawa ng pabango noong panahon pa ni Governor Aurelio Umali na naglaan ng pondo para sa kanilang training.- Ulat ni Clariza de Guzman

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s