“A day to remember: Thank you for the love”, handog para sa mga internal at external stake holders ng DepEd

Ipinagdiwang ng DepEd Schools Division of Nueva Ecija ang “A Day To Remember: Thank You For the Love” na naglalayong pasalamatan ang mga internal at external stake holders na tumutulong sa DepEd na mabigyan ng kalidad na edukasyon at maayos na pasilidad ang mga mag-aaral.

Governor Cherry Umali, guyest Speaker sa “A Day To Remember: Thank You For the Love” stakeholders day ng DepEd

Dinaluhan  ito ng mga Municipal Mayors ng lalawigan ng Nueva Ecija at Governor Czarina “Cherry” Domingo-Umali bilang guest speaker ng naturang programa.

Ani ni Governor Cherry ito ay pagkakataon din para mag pasalamat sa mga guro at iba’t ibang sangay ng DepEd.

 

Dumalo sa “A DAY TO REMEMBER: THANK YOU FOR THE LOVE” NG DEPED  ang mga guro at School Principals mula sa iba’t ibang Municipalidad ng Nueva Ecija

Nag-ugat ang pagnanais na makapag pasalamat ni School Divisions Superintenent Ronaldo Pozon  sa walang alinlangang pag tulong ni former Governor Aurelio Umali noong 2009 ng sya ay Assistant School Divisions Superintendent pa lamang, aniya ang agarang pag aksyon  ni Governor Oyie sa pangangailangan ng mga estudyante na naging biktima ng blackmail ang naging ugat upang sa tamang panahon ay makapag pasalamat sya sa kabutihang loob ng Gobernador at ng lahat ng tumutulong sa DepEd.

 

“Ang pag tulong sa mga programa ng DepEd ay pag tulong sa mga mag-aaral”- Dr. Ronaldo Pozon

Nagkaroon ng iba’t ibang intermission numbers mula sa iba’t ibang paaralan sa Nueva Ecija

 

Municipal Mayors ng Lalawigan ng Nueva Ecija

Pumirma din ang mga Municipal Mayors ng Pledge of Commitment sa programa ng DepEd na “Video Lessons from kindergarten to Grade 3” sa pamamagitan ng pagbibigay ng Television set sa kanilang mga nasasakupang paaralan kapag nagkaroon nan g sapat na budget para dito.- Ulat ni Amber Salazar

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s