Ugnayan ng tamang pagbabalita at kapayapaang Panlipunan, tinalakay sa Media Forum ng NUJP-NE

Tinalakay sa isinagawang Media Forum ng National Union of Journalists of the Philippines-Nueva Ecija sa Central Luzon State University ang ugnayan ng tamang pagbabalita at kapayapaang panlipunan, bilang bahagi ng selebrasyon ng World Press Freedom Day.

Unang tinalakay ng keynote speaker na si Raymund Villanueva, Director ng NUJP, sa mga DevComm students, Campus Media Journalists at Student Council ang kalayaan sa pamamahayag.

 

Mga DevComm students, Campus Media Journalists at Student Council
na dumalo sa Media Forum na isinagawa ng NUJP-Nueva Ecija

Ayon dito, kadalasan dahil sa sinasabing kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin lalo na sa social media, marami ang walang patumangga at walang sagka sa pagpopost ng kanilang mga opinyon sa isang partikular na tao o pangyayari.

Para kay Villanueva, walang ganap na kalayaan sa pamamahayag dahil tayo ay ginagabayan ng self-imposed regulations sa ilalim ng Code of Ethics, kung saan ang dalawang pinaka-importanteng bagay na dapat isaalang-alang sa pamamahayag ay ang truth o katotohanan at do no harm o huwag makasakit ng damdamin ng kapwa.

Maituturing din aniya na walang absolutong kalayaan sa pagbabalita ang mga mamamahayag sa mga dominanteng commercial media outfit dahil kinukubabawan ang mga ito ng pang-ekonomikong interest ng mga may-ari ng mga naturang kompanya.

Dagdag ni Villanueva, ikaw ay maituturing na malayang mamamahayag kung ikaw ay nagsisilbi para sa mga naaapi, para sa ikabubuti ng maralita, at para sa pakinabang ng mga nasa laylayan ng lipunan.

Dahil sa pagbabalita ng tama at pagbabalita nang para sa kapakanan ng mga mahihirap, ikaw aniya ay nakakapagpalaya.

Hinimok din ni Villanueva ang mga estudyanteng mamamahayag na maging mapanuri sa mga pangyayaring nararapat na ibalita, bilang isang manunulat at mamamahayag ay ibinahagi nito sa mga estudyante ang kanyang karanasan sa pagbabalita ng peace talk sa pagitan ng Gobyerno at NPA na para sa kanya’y mas makabuluhan para sa mas nakararami. – Ulat ni Jovelyn Astrero

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s