Feeding Program ng Provincial Government, nagbigay ng ngiti sa mga estudyante ng Sumacab at Mayapyap Elementary School

Naghandog ng Feeding Program ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Cherry Umali, sa pakikipagtulungan ni Atty. Oyie Umali, sa mga estudyante mula kinder hanggang Grade 6 sa Sumacab at Mayapyap Elementary School.

Ang Proyektong Kitchen on Wheels ay may temang “Malasakit para sa mga bata”.

Isa-isang pumila ang mga estudyante mula kinder hanggang Grade 6 sa Sumacab at Mayapyap Elementary School para sa Feeding Program na handog ng Pamahalaang Panlalawigan.

Ayon kay Leah Alvaran, School Principal ng Mayapyap Elementary School, mahalaga na may laman ang tiyan ng mga bata bago pumasok sa eskwelahan upang maging maayos ang pag-aaral ng mga ito.

Sa panayam kay Gloria Basa, Teacher ng Grade 2, sinabi nitong maganda ang proyektong ito para sa mga bata dahil ang iba sa mga ito ay hindi nakakain ng umagahan.

Nagpaabot din ng pasasalamat sa Provincial Government si Donna, isa sa mga magulang ng Grade 6 student sa Sumacab Elementary School.

Libo-libong estudyante ang nabiyayaan ng Feeding Program sa dalawang naturang eskwelahan.

Mainit na sopas na may kasamang juice ang inihain ng Kitchen on Wheels ng Pamahalaang Panlalawigan para sa mga ito. –Ulat ni Majoy Villaflor