Provincial Health Office, namahagi ng libreng condom

Namahagi ng libreng condom sa mga Novo Ecijano ang Provincial Health Office at Department of Health sa isinagawang International Aids Candlelight Memorial and Awareness Campaign na may temang “Ending AIDS Together” na ginanap sa Nieto Hall Neust Sumacab este.

Nagbigay ng libreng condoms ang Provincial Health Office sa lahat ng dumalo na Novo Ecijano sa ginanap na International AIDS Candlelight Memorial and Awareness Campaign.

Ito ay sa pangunguna ng Provincial Health Office, Department of Health Regional Office III at sa kooperasyon ng ina ng lalawigan Governor Czarina “Cherry” Umali at sa pakikipagtulungan ni Atty. Oyie Matias Umali.

Hinikayat ang mga dumalo na magpakonsulta sa pangunguna ng Medical Team upang malaman agad kung ikaw ay may sakit na hiv.

Sa buong Region 3 pangatlo ang Nueva Ecija sa pinakamataas na kaso ng Hiv/Aids na may 408 cases, nangunguna ang lalawigan ng Bulacan na may kabuuang 1,307 cases at pumapangalawa naman ang Pampanga na may 1,090 cases mula noong 1984 hanggang sa kasalukuyan.

Dumalo sa naturang programa ang mga bayan ng Cabiao, San isidro, Jaen, Talavera at San leonardo.

Ayon kay Romeo Bonifacio Casares Aids Prevention and Control Program Nurse, isinagawa ang programa bilang pag-alala sa mga namatay, naging biktima at sa mga taong magkakaroon pa lamang ng sakit na Hiv/Aids.

Aniya, layunin ng kampanya na mapababa ang kaso ng Human Immunodeficiency Virus o hiv at mamulat ang bawat isa ukol sa sakit na ito at kung pano ito maiiwasan.

Dagdag pa ng pho, may limang letra na dapat tandaan upang maiwasan ang sakit na hiv/aids,  A- abstain from sex, B- be faithful to your partner, C- consistently use condoms, D- do not use illegal drugs, and E- educate yourself.

Sa pagtatapos ng programa ay isa-isang nagsindi ng kandila ang lahat ng dumalo at nag-alay ng maikling panalangin bilang pag-alala sa mga namatay at naging biktima ng sakit na Hiv/Aids.

Isa Isang nagsindi ng kandila at nag alay ng panalangin ang lahat ng dumalo bilang pag-alala sa lahat ng Namatay at naging biktima ng sakit na HIV/AIDS

Nag-iwan ng paalala ang Provincial Health Office, laging tandaan na wag Magself medicate at kapag may nararamdaman magpakonsulta agad sa pinakamalapit na Health Center. -Ulat ni Majoy Villaflor