Kapatid Mentor Me ng DTI, inilunsad na sa Nueva Ecija

Pormal nang inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI)-Nueva Ecija katuwang ang Philippine Center for Entrepreneurship Go Negosyo ang programang “Kapatid Mentor Me” na naglalayong higit pang mapalakas ang marketing power ng Micro and Small Entrepreneurs (MSE) sa probinsiya, na ginanap sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Ayon kay DTI Regional Operations Group ASec. Blesila Lantayona, nais ng ahensiya na maging well trained ang mga maliliit na negosyante pagdating sa pagpapalago ng kanilang negosyo sa pamamagitan ng pagtulong ng Government at Private Sector.

Ito na ang Ikalimang napaglunsaran ng programa sa Central Luzon at Ika-Pitumpu’t Pitong lugar sa Walumpu’t Siyam na target ng ahensiya na simulan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Ang konsepto ng Kapatid Mentor Me Program ay tumutukoy sa mga magkakapatid sa negosyo na nagtutulungan upang maiangat ang kabuhayan ng bawat isa, na nagreresulta ng pagganda ng ekonomiya ng bansa.

Sa unang batch, dalawampu’t limang negosyante agad ang libreng nabigyan ng pagkakataon na makapag-avail ng programa.

Sa pahayag ni DTI Provincial Director Brigida Pili, naging masinsin ang pagsala sa mga mentees.

Ang mga trainees o mentees, ay sasailalim sa labing dalawang session kabilang na ang Entrepreneurial Mind-Setting & Values Formation; Marketing; Business Model Canvass; Product Development; Operations Management; Supply and Value Chain; Human Resource & Organization Management; Entrepreneurial Accounting & Financial Management; Taxation; Business Law; Business Improvement Plan Presentation and Product Expo and Graduation.

Para kay Amante Esguerra, nagmamay-ari ng isang patok na ibinebentang inumin sa mga mall sa probinsiya ay isa itong malaking oportunidad na hindi dapat palagpasin lalo na ng katulad niyang baguhan pa lamang sa pagnenegosyo.

Ang Kapatid Mentor Me ay nakapailalim sa “Kapatid Angat Lahat” na sinusundan ng Adopt For SSF at Inclusive Business.-Ulat ni Danira Gabriel

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s