Tala Bongabon, binigyang kaalaman ng DTI upang palaguin ang kabuhayan

Binigyang kaalaman ng DTi-Nueva Ecija ang mga kababaihang miyembro ng TALA Bongabon kung paano mapapalago ang kanilang kabuhayan

Sa ilalim ng Roving Academy ng Department of Trade and Industry kung saan nagkaroon ng Strategic Planning Workshop ang mga Small and Medium Enterprises ay natutunan ng TALA Bongabon ang kanilang kalakasan at kahinaan pagdating sa pagne-negosyo.

Ang mga kababaihan ng TALA Bongabon habang ipiniprisenta ang kanilang kahinaan at kalakasan sa pagnenegosyo.

Makatutulong ang nasabing workshop sa paghahanda ng apat na libong kababaihan sa Bongabon sa pagtatayo nila ng kooperatiba na magsisilbing daluyan ng livelihood projects na ilalaan para sa kanila ng lokal na pamahalaan at ayuda mula sa iba pang ahensya ng gobyerno.

Ayon kay Kagawad Jovita Palada, Pangulo ng TALA Bongabon, kasalukuyang kumikita ang kanilang mga miyembro sa tulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa tindahan ng bayan, mushroom production, paggawa ng peanut butter at soya milk.

Sinimulan ng DTI ang Roving Academy taong 2015, ngayong taon target ng ahensya na magsagawa ng 65 workshops sa buong lalawigan upang gabayan sa pag-asenso sa negosyo ang mga Novo Ecijano.- Ulat ni Clariza de Guzman

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s