Ako ang Saklay, naghahanap ng volunteers

Malaki ang pasasalamat ni Father Arnold Abelardo sa mga volunteers ng Ako Ang Saklay Center. na walang sawang tumutulong upang maging maayos ang operasyon ng lugar. Aniya ang kusang loob na pag tulong kagaya ng pag mintena sa lugar, pag luluto at pagbibigay ng gulay at gamot ay hindi matatawarang tulong sa mga reformist.

Mga taong nais magbahagi ng kanilang kaalaman, welcome sa Ako ang Saklay .

Nananawagan din si Father Abelardo sa mga nagnanais mag volunteer na  guro, doctor at mga taong nais mag bahagi ng kanilang kaalaman sa iba’t ibang skills para maibahagi sa mga reformist na maaari din nilang magamit sa kanilang pagbabagong buhay.

Volunteer motivational speakers, kailangan din ng Ako ang Saklay.

Isa pa sa kinakailangan ng Ako Ang Saklay ay mga motivational speaker na magbibigay ng inspirasyon sa mga reformist. Sa ngayon ay may 171 reformist ang ako ang saklay na nakapaloob pa rin sa programa.

Abot ang pasasalamat ni Father Abelardo sa mga sumusuporta sa Ako Ang Saklay na aniya ay isa rin sa mga dahilan kaya’t hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang operasyon nito. – Ulat ni Amber Salazar

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s