International AIDS Candlelight Memorial, isinagawa bilang pag-alala sa mga naging biktima ng HIV/AIDS

Bilang pag-alala sa mga naging biktima ng HIV/AIDS sa buong mundo nakiisa ang mga Novo Ecijano sa isinagawang International Aids Candlelight Memorial na ginanap sa New Capitol, Palayan City nitong nakaraang lunes.

Nakiisa ang mga Novo Ecijano sa isinagawang International Aids Candlelight Memorial na ginanap sa New Capitol, Palayan City nitong lunes. Ito ay bilang pag-alala sa lahat ng mga naging biktima ng sakit na HIV/AIDS.

Ito ay sa pangunguna ng Department Of Health at sa tulong ng ina ng lalawigan na si Governor Czarina Domingo Umali at sa pakikipag tulungan ni Atty. Aurelio Umali.

Ang tema ng naturang programa  ay “Ending Aids Together” na naglalayong mabigyan ng malawak na kamalayan ang lahat patungkol sa naturang sakit.

Ayon kay Doctor Benjamin V. Lopez, Hepe ng Provincial Health Office, base sa kanilang datos, mas bumilis ang pagdami ng bilang ng biktima ng HIV/AIDS sa lalawigan.

Nagkaroon din ng mataimtim na panalangin ang lahat ng dumalo at sa dulo ay nagpalipad sila ng pulang lobo bilang pag-alala sa mga namatay at mga biktima ng sakit na HIV o AIDS.Ulat ni Phia Sagat

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s