Freedom of Information at Presidential Task Force on Media Security, tinalakay

Matatandaang inilunsad ang Freedom of Information o FOI at Presidential Task Force on Media Security noong nakaraang taon bilang dalawa sa mga unang aksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsisimula ng kanyang termino.

Ang FOI o ang Executive Order No. 2 ay nilagdaan ng pangulo noong ika-dalawamput tatlo ng Hulyo nang nakaraang taon na naglalayong ibukas sa mamamayan ang mga pampublikong dokumento tulad ng public records, kontrata, transaksyon at iba pang impormasyon mula sa iba’t ibang departamento, opisina, at ahensya ng gobyerno.

Habang ang Presidential Task Force on Media Security ay binuo sa ilalim ng Administrative Order No. 1 na nilagdaan ng pangulo noong ika-labingisa ng Oktubre upang tiyakin ang pagkamit ng hustisya sa mga naging biktima ng media killings at pangalagaan ang seguridad ng mga tinatawag na media worker na biktima ng torture at paglabag sa kanilang karapatang mabuhay, kalayaan, at banta sa kanilang kaligtasan.

Nitong nakaraang Huwebes, isang seminar sa Microtel, Cabanatuan City ang isinagawa ng National Grid Corporation of the Philippines at Nueva Ecija-Aurora Energy Press Corps kung saan ipaliwanag ng Philippine Information Agency at ni Presidential Task Force on Media Security Undersecretary Joel Egco ang kahalagahan at benepisyong hatid ng dalawang nasabing programa hindi lamang sa mga media workers kundi maging sa mga ordinaryong mamamayan.

SI PRESIDENTIAL TASK FORCE ON MEDIA SECURITY USEC.JOEL EGCO HABANG IPINAPALIWANAG ANG KAHALAGAHAN NG AO NO.1 PTFMCNA BINUO NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE.

Ipinaliwanag din ni Egco ang ugnayan ng dalawang programa at ang malaking tulong nito sa media.

Samantala, ibinida naman ni Egco ang malaking kaibahan ng dating Task Force kung ikukumpara ito sa kasalukuyan.

Umaasa rin si Egco na tuluyan nang maisabatas ang Freedom of Information dahil malaking tulong umano ito upang tuluyan nang wakasan ang anumang anomalya sa gobyerno. – ULAT NI JANINE REYES.

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s