Training ng 230 katao sa kauna-unahang Special Basic Citizen Military Training, Inilunsad sa San Antonio

Pormal nang sinumulan  ang training para sa 230 katao na boluntaryong pumasok sa Special Basic Citizen Military Training (SBCMT) Class-2017 at sa bayan ng San Antonio ito unang inilunsad sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Ginanap sa Municipal Gym ang Opening Ceremony at dito rin gaganapin ang training ng mga volunteers tuwing Sabado at Linggo.

Ang Special Basic Citizens Military Training o SBCMT ay isang training course na pinamamahalaan ng Philippine Army sa hiling na rin ng LGU o Local Government Unit. Ang pondo ng training na ito ay nanggagaling sa LGU na nag request nito.

Umabot sa 230 ang mga volunteers mula sa San Antonio na sasailalim sa Special Basic Citizens Military Training.

Boluntaryo ang pag rerehistro dito na nangangailangan na nasa edad 18 hanggang 50 taong gulang.

Ang training na ito ay kinapapalooban ng Basic Military Training, Disaster Response Training  at Environmental Protection.

Ipinaalala ni Former Governor Atty. Aurelio Umali, Guest Speaker ng Programa ang kahalagahan ng pagtatanggol sa Pilipinas na isang responsibilidad ng bawat mamamayang Pilipino.

Nauna ng mag lunsad ng Special Basic Citizen Military Training ang Bataan, Pampanga, Zambales, at inaasahan na patuloy ang pag lulunsad nito sa iba’t ibang bayan dito sa Nueva Ecija.

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s