Peace Caravan, isinagawa sa ilang bayan sa lalawigan

Nagtipun-tipon kahapon para sa isang peace caravan ang iba’t ibang organisasyon ng Nueva Ecija at iba pang karatig lalawigan mula sa region III na kinabibilangan  ng Alyansa ng mga Magbubukid sa Gitnang Luzon, Martyr, Movement for Just and Lasting Peace, Novo Ecijanos for Change and Just Peace, Philippine Ecumenical Peace Platform- Nueva Ecija, Bagong Alyansang Makabayan-Gitnang Luzon at iba pa.

Bandang alas siyete ng umaga nang magsimulang lumakad ang buong grupo mula sa Freedom Park, Cabanatuan City patungong Talavera, Muñoz, Lupao, Caranglan at San Jose.

Layunin umano ng peace caravan na isulong ang tunay at makatarungang kapayapaan sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng peace talk sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front of the Philippines para matigil na umano ang armadong tunggalian sa lipunan.

Matatandaan na sa nakaraang harapan ng GRP at NDFP noong April 2-6 sa The Netherlands ay nagkasundo ang dalawang panig na ipatupad ang Interim Joint Ceasefire at Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms Na siya umanong reresolba sa problema sa lupa at industriyalisasyon.

Nakapaloob rin sa naturang peace caravan ang panawagan nila na mabigyang tugon ang problemang kinakaharap ng lipunan tulad ng kawalan ng lupa ng mga magsasaka, kawalan ng trabaho at nakabubuhay na sahod, kakulangan sa serbisyong panlipunan sa edukasyon, kalusugan, pabahay at iba pa.

Samantala, sa darating na April 30 at May 1 ay lalahok ang mga nasabing organisasyon kasama ng tatlo pang probinsiya ng gitnang luzon sa gaganaping lakbayan mula Tarlac hanggang Pampanga. – ULAT NI JANINE REYES.

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s