Gov. Cherry Umali, ipinaramdam ang malasakit sa TALA ng General Natividad

Masaya ang TALA ng General Natividad sa pagdalo ni Governor Cherry Umali sa kanilang ika-13 anibersaryo ng kanilang samahan

Ipinaramdam ni Governor Czarina “Cherry” Domingo-Umali ang malasakit sa mga kababaihan ng Tanglaw at Lakas ng Nueva Ecija o TALA sa kanyang pagdalo sa ika-13 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng kanilang samahan sa bayan ng General Natividad.

Sa kanyang mensahe, tutulungan ng gobernadora ang pamahalaang bayan ng General Natividad sa pamumuno ni Mayor Librado Santos na maitayo ang pangarap ng mga kababaihan na magkaroon ng isang bulwagan na pagdarausan ng mga pagpupulong at ilang aktibidad sa kanilang barangay.

Bukod dito, tinalakay rin ang mga programa para sa mga kababaihan tulad ng pagtatayo ng Tindahan ng Bayan na ilulunsad sa buwan ng Mayo sa pamamagitan ng Provincial Cooperative and Entrepreneurship Development Office o PCEDO.

Ayon sa pangulo ng TALA ng General Natividad na si Carmen Villareal Pengson, malaking tulong ang mga ibinibigay na proyekto sa kanila ng pamahalaang panlalawigan.

Tulad na lamang ni Ginang Susan Gamit na mula sa Brgy. Mataas na Kahoy, malaki ang kapakinabangan sa kanya ng livelihood projects dahil nakatutulong ito sa kanilang kabuhayan.

Habang, pakikisama at pagkakaisa naman ang natutunan ni Ginang Crisanta Ramos ng Brgy. Burol sa kanilang samahan.

Naging emosyonal naman si Ginang Melissa de Guzman dahil simula ng maging miyembro ng TALA, tinulungan na siya ni Governor Cherry Umali.

Bahagi ng kanilang selebrasyon ang pagpapakita ng mga masaganang-ani na tanim sa likod ng bahay ng mga kababaihan ng TALA-General Natividad

Samantala, bilang selebrasyon naman ng TALA ng General Natividad sa kanilang ika-13 taong aniberasaryo, ay nagkaroon ng parlor games, raffle draw, at pamamahagi ng gift packs mula sa pamahalaang panlalawigan at Local Government Unit.

Nagbahagi rin ang bawat barangay ng sayaw.

Rumampa rin ang mga naggagandahang Mutya ng Pamayanan.

Ipinakita rin ng mga kababaihan ang kanilang masaganang ani tulad ng prutas at gulay na tanim sa likod-bahay.

At bandang huli, nakisaya sa kanilang pagdiriwang sina Bobby Andrews at Dino Guevarra ng TGIS.

Sa kasalukuyan, nasa isang libo at anim na raan na ang miyembro ng TALA sa General Natividad na sinimulang maitatag noong 2004 sa panunungkulan ng dating gobernador na si Atty. Oyie Umali.- Ulat ni Shane Tolentino

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s