Dr. Enrico Velasco, hinirang bilang presidente ng ELJMC

Pormal na ipinakilala ni Gov. Czarina Umali Chairman at miyembro ng Management Committee sa Board Of Trustees ang bagong presidente ng ELJ Memorial College (ELJMC) sa Special Meeting na ginanap sa Old Capitol, Cabanatuan City.

Ayon sa Ina ng Lalawigan, si Dr. Enrico Velasco ang pinaka-kwalipikadong tao upang mamuno sa naturang eskwelahan.

Para naman kay Dr. Enrico Velasco, isang karangalan aniya para sa kaniya na hirangin bilang pangulo ng ELJMC.

Iprinesenta rin sa board ang listahan ng mga magsisipagtapos ngayong Abril para sa School Year 2016-2017 sa mga kursong Bachelor of Elementary Education, Bachelor of Secondary Education, Bachelor of Science in Accountancy, Bachelor of Science in Accounting Technology at Bachelor of Science in Business Administration na binubuo ng tatlong daan at labing tatlong estudyante.

Bukod pa rito ay ibinigay din ang listahan ng labing tatlong kandidata bilang Cum Laude ng Eljmc kung saan 1.46 ang  pinakamataas at 1.75 ang pinakamababang Grade Point Average (GPA).

CUM LAUDE

  1. KAREN KAYE TUAPEN (BSBA)
  2. AUDREY GISSETTE RIVERA (BSBA-FINANCIAL MANAGEMENT)
  3. AILEEN LIBID (BEED)
  4. EMELYN SALAGUBAN (BSBA-FINANCIAL MANAGEMENT)
  5. ERWIN GALANG (BSED-ENGLISH)
  6. AILA MAE MARIANO – (BSBA-FINANCIAL MANAGEMENT)
  7. LOVELY LOZANO – (BSED-ENGLISH)
  8. SANDRINE SANCHEZ (BSED-FILIPINO)
  9. ERIKA GAIL ORONCE – (BSA)
  10. RIA SALOMON – (BSA)
  11. MARIA GEAH MANGAY-AYAM (BSED-ENGLISH)
  12. JOHN MARK PASCUAL (BSBA-MARKETING MANGEMENT)
  13. DONNA MARIE CAPULONG (BEED)

 

Ipinagmalaki ni Dr. Velasco na ang mga itinuturing na “Iskolar ng Bayan” na nagsisipagtapos sa ELJMC ay mga mahuhusay at dekalidad na estudyante, ilang beses na aniya napatunayan ito sa pag to-top ng mga mag-aaral sa board exams kaya’t pinag-aagawan ng mga kumpanya. –Ulat ni Danira Gabriel