MANGANGALAKAL NG BASURA NA NAGWAGI NG GRAND PRIZE SA BINGO BONANZA SA BAYAN NG ZARAGOZA, HINIMATAY SA LABIS NA KASIYAHAN

Hinimatay sa labis na kasiyahan si Erlinda De Jesus matapos magwagi ng grand prize na brand new Suzuki tricycle, isang kabang bigas, cellphone, at dalawang electric fan sa isinagawang Bingo Bonanza ng pamahalaang panlalawigan sa bayan ng Zaragoza bilang pakikiisa sa ika-isang daan at tatlumpu’t siyam na taong anibersaryo ng pagkakatatag ng naturang bayan.

Hindi makapaniwala ang limampu’t walong anyos na si aling Erlinda mula sa Brgy Sto. Rosario Old na siya ang magwawagi sa nasabing palaro.

Ayon sa kanya, pangangalakal lamang ng basura ang ikinabubuhay ng kanyang pamilya kaya’t ganun na lamang ang kanyang pasasalamat kina Governor Cherry Umali at Atty. Oyie Umali sa malaking swerte na dumating sa kanilang buhay.

HINDI MAKAPANIWALA SI ALING ERLINDA DE JESUS NA SIYA ANG MAGWAWAGI NG GRAND PRIZE NA  BRAND NEW SUZUKI TRICYCLE SA ISINAGAWANG BINGO BONANZA NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN SA BAYAN NG ZARAGOZA NITONG NAKARAANG BIYERNES, APRIL 7.

Isa lamang si aling Erlinda sa libo-libong mamamayan ng Zaragoza na nakisaya at nakilahok sa pa-bingo ng pamahalaang panlalawigan na ginanap sa Zaragoza Municipal Gymnasium nitong nakaraang biyernes, April 7.

Personal na nakisaya at nagpamahagi ng papremyo ang ama at ina ng lalawigan sa mamamayan ng naturang bayan, kasama ang kanilang dalawang anak na sina Gabby at Mykee, at si Mayor Lally Belmonte.

Sa kalagitnaan ng kasiyahan, isang sorpresa ang ibinigay ng mga-taga Zaragoza kay Governor Cherry Umali, bilang regalo sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan, na labis nitong ikinagulat at ikinatuwa.

SINORPRESA AT KINANTAHAN NG MGA TAGA-ZARAGOZA SI GOV. CHERRY UMALI NITONG NAKARAANG BIYERNES BILANG REGALO PARA SA KANYANG KAARAWAN.

Samantala, bukod sa grand prize, nag-uwi rin ng iba’t ibang papremyo ang mga nagwagi sa iba’t ibang bingo games tulad ng dalawang pangkabuhayan showcase na 10. 000 pesos worth of groceries, bigas, cellphone, electric fan, at cash prizes. – ULAT NI JANINE REYES.

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s