HIPHOP GROUP NA UNITE, KAUNA-UNAHANG GRAND CHAMPION NG ZARAGOZA’S GOT TALENT

Sulit na sulit ang naging pagod ng hiphop group na Unite matapos silang tanghalin bilang kauna-unahang  grand champion ng Zaragoza’s Got Talent nitong nakaraang Lunes, April 3, sa Zaragoza Municipal Gymnasium.

Nangibabaw ang talento ng grupo dahil sa malinis na routine, maangas na style, malupit na dance moves at mahusay na koordinasyon at sinkronisasyon.

NANGIBABAW ANG TALENTO NG HIPHOP GROUP NA “UNITE” SA KATATAPOS LANG NA ZARAGOZA GOT TALENT NA GINANAP NITONG NAKARAANG LUNES, APRIL 3, SA ZARAGOZA MUNICIPAL GYMNASIUM.

Itinanghal naman bilang 1st runner up ang grupong The Passion matapos nilang pabilibin ang mga manonood sa kanilang digital animated dance na hinaluan pa ng glow suit performance.

Pinahanga naman ng ZNHS Divas ang lahat  sa kanilang mala-anghel at nakakikilabot na tinig dahilan upang tanghalin sila bilang second runner up.

Ang tatlong nasabing grupo ay kabilang lamang sa labindalawang kalahok na nagpatalbugan ng talento.

Ang iba pang nagpamalas ng kahanga-hangang talento ay ang ballroom dancing tandem na sina Mica and Fernando.

The Unexpected Divas, Carla Paladan, Aivy Magana, Jenny Cawili, Tenacity Tribe, Romeo Rubio Jr., The Beast at Charisse Arances.

Ayon kay Eden Belmonte, ZGT Committee Chairman, naging matagumpay ang unang taon ng talent competition dahil sa galing ng mga ipinakitang talento ng mga kabataang nagmula mismo sa kanilang bayan.

Dagdag pa ni Belmonte, magtutuluy-tuloy na ang kompetisyon sa kanilang bayan sa mga susunod pang mga taon.  –Ulat ni JANINE REYES.

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s