Engr. Lauro Pangilinan, No Show sa Regular Session; Sangguniang Panlungsod, binigyan ng last chance si Engr. Pangilinan na makadalo para sa kumpirmasyon ng kaniyang appointment

Sa ikatlong pagkakataon ay hindi sumipot si Eng. Lauro Pangilinan Regular Session ng Sangguniang Panlungsod ng Cabanatuan ukol sa ikatlong pagdinig ng kaniyang appointment bilang Department Head I ng City Engineers Office.

Ayon kay Vice Mayor Anthony Umali, bukod sa hindi pagsulpot ay hindi pa rin isinisumite ni Engr. Pangilinan ang mga dokumentong hinihingi nila.

Aniya, binibigyan na lang nila ng huling pagkakataon na dumalo sa susunod na Regular Session April 11, 2017 si Engr. Pangilinan upang maproseso ang kaniyang appointment.

Matatandaang sa second reading ng Regular Session noong Feb. 28, 2017 ay na “hot seat” si Engr. Pangilinan nang binato siya ng mga tanong nina Vice Mayor Umali, Kon. Nero Mercado at Kon. Gave Calling.

Sa paglalawaran ng Bise Alkalde, sa naganap na deliberasyon ay “Inconsistent at Indirect” ang mga sagot ni Engr. Pangilinan sa kanilang mga tanong kaugnay sa anim na taong pangangasiwa nito bilang Officer-In-Charge sa Engineers Office.

Isa sa kinwestiyon ng Sanggunian, ang dahilan ng City Government sa pagpapahiram ng heavy equipment sa ibang lugar.

Depensa ni Pangilinan, para daw ito sa disaster preparednes.

Ipinagtaka rin ng sp, kung bakit hindi alam ni Engr. Pangilinan ang bilang ng mga gumagana at nakatenggang heavy equipment ng lungsod.

Samantalang, kamakailan lang ay bumili ng karagdagang pitumpong bagong equipment ang City Government na umabot sa halagang P166 million.

Ipinasagot din ng Bise Alkalde kay Pangilinan, ang pagkakalat ng mga ito ng isyu na di umano ay pinagkakaitan ng kapitolyo ang City Government sa pagbibigay ng permit ukol sa pagkuha ng graba sa mga quarry sites sa lalawigan.

Sa naganap na deliberasyon ay hindi naiwasang magkaturuan sa mga pumalpak na proyekto ng lungsod, kung saan binuntunan ng sisi ni Engr. Pangilinan ang ibang inhenyero na dating nagtatrabaho sa pamahalaang panlungsod at kasalukuyang nagtatrabaho ngayon sa kapitolyo sa pagkasira ng vergara hiway.

Dagdag pa ng Bise Alkalde, masiyado umanong “defensive” si Engr. Pangilinan sa ginagawa nitong pagiwas sa Sanggunian.

Kapag inisnab pa rin ni Pangilinan ang paanyaya sa kaniya ng Sanggunian sa susunod na linggo ay posibleng tuluyan ng mabibinbin ang appointment nito. –Ulat ni Danira Gabriel

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s