Herbal Supplements, walang kakayahang gumamot ng Kanser –PSMO

Mahigpit na ipinaalala ng Philippine Society Medical Oncology (PSMO) at Nueva Ecija Medical Society (NEMS) na ang mga herbal supplements na nabibili sa merkado na may label na “No Approved Therapeutic Claim” ay hindi dapat gawing alternatibong panggamot sa Kanser at iba pang mga uri ng sakit.

Ayon sa mga Oncologist, posibleng makatulong sa pagbuti ng kalusugan ng tao ang pag-inom ng herbal supplements. Ngunit, wala pa rin umano itong kasiguraduhan  dahil hindi pa napapatunayan sa mga pag-aaral na ito ay talagang nakagagaling ng mga sakit.

Giit ng PSMO, ang mga herbal supplements ay dapat pumasa muna sa pamantayan ng clinical trial para mairehistro sa ilalim ng “drugs” at hindi sa ‘food” category upang maging gamot at maireseta ng mga lehitimo, lesinsiyado, dalubhasa at aktibong duktor.

Sa ngayon, tatlong nutrition supplements pa lamang ang inere-rekomenda ng mga duktor na nakapasa sa pag-aaral at napatunayan na nakatutulong sa pagpigil ng kanser sa katawan ng tao ang Omega 3, Coriolus na mula sa mushroom at Flax Hull Lignans.

Habang ang mga pangunahing gamutan pa rin sa Kanser ay ang operasyon, chemotherapy, radiation therapy at medications.

Kaugnay nito, siyam na sintomas ng Cancer ang inilabas ng PSMO ang “CAUTION US.”

9 WARNING SIGNALS OF CANCER

C: Change in bowel or bladder habits.

A: A sore that does not heal.

U: Unusual bleeding or discharge.

T: Thickening or lump in the breast or elsewhere.

I: Indigestion or difficulty in swallowing.

O: Obvious change in a wart or mole.

N: Nagging cough or hoarseness.

U: Unexplained anemia.

S: Sudden weight loss.

Sa pilipinas, ang breast cancer pa rin ang nangunguna sa listahan ng uri ng kanser  kasunod ang baga, atay, bituka at cervix.

Habang, ang may pinakamataas namang naitalang namatay ay ang mga may kanser sa baga, atay, suso, bituka at leukemia.

Ang mabisa pa rin umanong paraan ay maagang magpasuri sa mga duktor.

Para sa karagdagang impormasyon bisitahin lamang ang kanilang facebook page sa cancerexpertsphilippines o website sa www.psmo.org.ph. –Ulat ni Danira Gabriel

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s