DTI-NE, INIHAIN ANG KANILANG MGA GAMPANIN SA NAKALIPAS NA DALAWANG BUWAN NGAYONG TAON

Ipinahayag ng Department of Trade and Industry ang kanilang Accomplishments sa nakalipas na Dalawang buwan sa ginanap na “Kapihan with Media”.

Inihayag ng DTI-NE ang kanilang gampanin sa nakalipas na dalawang buwan ngayong taon sa ginanap na “Kapihan with Media”.

Sa Datos ng ahensya, mula sa buwan ng Enero hanggang Pebrero nakapagtala ang DTI ng 258 na MSME’s o Micro, Small and Medium Enterprice.

Bukod sa MSME, pagdating naman sa mga Trade Fairs na inorganisa ng ahensiya ay may kabuaang 1,860,715 Sales Generated ang naitala sa ginanap na Moringa Festival Fair sa bayan ng Nampicuan noong March 19-20, 2017.

Ayon kay DTI Provincial Director Brigida Pili,  naging matagumpay ang naging resulta ng pagpapatayo ng  Negosyo Center na naglalayong matulungan ang mga maliliit na negosyante na mamuhunan at maipakilala ang kanilang produkto.

Pitong Negosyo Center na ang naipatayo ng DTI kabilang na ang Cabanatuan City, Cabiao, Gapan City, San Jose City, Palayan City at ang katatayo lamang sa bayan ng Nampicuan at Talavera.

Nakatakda naman na buksan pa ang Tatlong Negosyo Center sa mga bayan ng Bongabon, Llanera at sa Science City of Munoz.

Habang pumalo sa 3,306 ang natulungan ng naturang ahensya sa pagpaparehistro ng Business Name na tumatagal lamang ng 15 minutes.

Pagdating sa Complaints Resolution sa sampung natanggap na reklamo ng DTI-NE sampo din ang naresolba kaya nakapagtala ng 100percent Resolution Rate ang ahensya.

Sa ilalim ng Republic Act 9178 o BMBE act of 2002, isa itong batas upang itaguyod ang pagbuo at pagtatayo ng Barangay Micro Business Enterprises (bmbe’s), na may kaukulang pabuya at benepisyo sa negosyo.

Para sa mga gustong magparehistro, magsumite lang ng aplikasyon sa Bmbe Certificate of Authority sa pinakamalapit na Negosyo Center sa inyong lugar.

Muling nagbigay paalala ang DTI at BIR sa mga hindi pa rehistradong negosyante na magparehistro na upang maging legal ang kanilang negosyo at maprotektahan ang mga mamimili. -Ulat ni Majoy Villaflor

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s