IKA- ANIM NA NEGOSYO CENTER, BINUKSAN NA SA NAMPICUAN

Ika-6 na Negosyo Center, Binuksan sa Nampicuan

Ibinukas na sa Bayan ng Nampicuan ang Negosyo Center na programa ng National Government para matulungan ang Micro, Small and Medium Enterprises.

Mayor Victor M. Badar kasama si DTI Provincial Director Brigida Pili.

Nauna ng nag bukas ang Negosyo Center sa  Cabanatuan, Cabiao, Gapan, San Jose, Palayan at pang anim ang Nampicuan . Ayon kay DTI Provincial Director Brigida Pili magtatayo din ng Negosyo Center sa Talavera, Llanera, Bongabon at  Muñoz.

Tea-napa, isa sa mga ipinagmamalaking produkto ng Nampicuan.

Malaki umano ang maitutulong nito sa mga mangangalakal ng bawat bayan upang mas maging maayos at mabilis ang pag proseso ng kanilang papel upang mag tayo ng isang negosyo.

Napabilib naman si DTI Tarlac Director Agnes Ramirez dahil aniya hindi pa nangyari sa Tarlac na ganito karaming programa ang sabay sabay na isinagawa.

Pinabasbasan ang bagong  Public Market, Auditorium Stage at Gymnasium kasabay ang pagpapasinaya ng Negosyo Center, Pasalubong Center, Diskwento Caravan  at  Trade Fair .- Ulat ni Amber Salazar

 

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s