8 mamamayan ng Brgy. Camp Tinio, binigyan ng libreng eye check-up ng Provincial Government

Perwisyo ang hatid ng nanlalabong mata para sa isang mananahing tulad ni Sonny Estares. Ayon sa kanya, hirap na siyang umaninag nang malapitan kaya naman apektado na ang kanyang hanapbuhay.  Gustuhin man niyang magpatingin sa doktor ay hindi niya magawa dahil sapat lamang umano ang kanyang kinikita para sa kanyang pamilya.

ISA SI SONNY ESTARES SA MGA BENEPISYARYO MULA SA BRGY. CAMP TINIO, CABANATUAN CITY, NA PINAGKALOOBAN NG LIBRENG EYE CHECK-UP HATID NG COMMUNITY EYE HEALTH PROGRAM NG DEPARTMENT OF HEALTH AT PROVINCIAL GOVERNMENT.

Base sa datos ng ospital nitong March 14, umabot na sa isandaan at pitumpu’t lima (175) ang bilang ng mga pasyenteng nabigyan ng libreng check-up.

Animnapu ang nakitaan ng katarata, habang apat naman ang matagumpay nang naoperahan.

Samantala, labis naman ang pasasalamat ng mga taga-Camp Tinio sa ibinigay na tulong ng pamahalaang panlalawigan sa kanila. – ULAT NI JANINE REYES

 

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s