MGA SIKAT NA RAPPER, DUMALO SA BIRTHDAY BASH NI J-KING

Masayang cinelebrate ang birthday party ni Nueva Ecija flip top rapper Julius Cenon o mas kilala sa tawag na ”J-king”, kasama ang kaniyang mga fans at malalapit na kaibigan sa larangan ng fliptop, noong March 10 2017 na ginanap sa N.E Pacific Mall Sidestrip Cabanatuan City

BIRTHDAY BASH NI J-KING, DINUMOG NG MGA FANS

Mas lalo pang pinasaya ang okasyon sa pagdalo ng mga mahuhusay na rapper na sina Lil-P, Damsa, Romano at Sinio na talaga namang pinagkaguluhan ng mga dumalo sa naganap na event.

Hiyawan naman ang mga fans ng lumabas na si J-king sa entablado kasama si Lil-P, habang kinanta ang kanilang mga latest songs.

Sabay pamigay ng mga t-shirt na lalong ikinatuwa ng mga manunuod.

Hindi nawala sa naturang event ang pagkaroon ng battle league na iniroganisa ng birthday celebrant.  Kung saan, binigyan niya ng oportunidad ang mga aspirant rappers ng Nueva Ecija.

Siyempre, hindi natapos ang event na hindi nagpakitang gilas ang limang batikan sa pag-pifliptop.

Ayon kay Sinio nagpapasalamat siya sa mga cabanatueno dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya at  lahat ng kanyang mga tagahanga na patuloy na nagtitiwala  at patuloy na sumusoporta.

Nagbigay din siya ng mensahe para sa may kaarawan na si J-king na sana ay magkita sila sa finals ng dospordos.

Pasasalamat din ang mensahe ni jking , Sa lahat ng mga nagsiksikan, nagperform, nag sponsor at sumoporta sa kanyang event. -Ulat ni Phia Sagat