ANTI-ILLEGAL DRUGS CAMPAIGN NA OPLAN TOKHANG, IBABALIK NG PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Inanunsyo kamakailan ni Philippine National Police Chief Director General Ronald Dela Rosa ang pagbabalik ng gobyerno sa Anti- Drug Campaign na Oplan Tokhang na muling ilulunsad bilang “Oplan Tokhang 2: Project Double Barrel Reloaded”.

Magiging Bloodless o hindi na magiging madugo umano ang Oplan Tokhang na muling ibabalik upang sugpuin ang Illegal na droga sa bansa.

Sa panayam kay Superintendent Antonio Yarra, Provincial Director kinumpira nito ang pagbuhay sa Tokhang.

Makikipagtulungan aniya ang kapulisan sa Barangay Authorities at Stakeholders mula sa Religious Sectors sa Nueva Ecija upang tuluyang linisin ang lalawigan sa ilegal na droga.

Ayon sa Panayam kay Superintendent Antonio Yarra, Provincial Director kinumpirma nito ang pagbabalik ng Gobyerno sa Oplan Tokhang.

Sa pagbabalik ng Oplan Tokhang sinabi ni Yarra na magiging katuwang ng PNP ang PDEA o Phillipine Drug Enforcement Agency.

Dagdag pa ni Yarra, susi ang pakikipagtulungan ng mga ahensya at mga sektor ng pamahalaan upang  tuluyan ng maging Drug free ang lalawigan ng Nueva Ecija. -Ulat ni Majoy Villaflor