Kauna-unahang state of the art BPO building sa Palayan City, pinasinayaan

Pinasinayaan na ang kauna-unahang state of the art Business Process Outsourcing Office sa Palayan City Government Center and Central Business Hub. Sa mensahe ni Alloy MTD President and CEO Tan Sri Azmil, inilahad nito na ang BPO hub and center ay magsisilbing modelo ng adbokasiya ni Pangulong Rodrigo Duterte na mailapit ang serbisyo ng gobyerno sa mamamayan.

Binati rin nito si Former Governor Aurelio Umali dahil  natupad na ang pangarap nitong pakinabangan at paunlarin ang  tiwangwang na lupain ng Palayan.

Ang bagong BPO 1 building sa Palayan City Government Center and Business Hub.

Matatandaan na noong December 4, 2014 nang pirmahan nina Former Governor Umali at Alloy MTD Philippines President Isaac David ang Joint Venture Agreement ng nasabing proyekto. November 23, 2017 naman nang itinurn-over ng Alloy MTD ang limang palapag na gusali para sa provincial government sa pamumuno ni Governor Czarina Umali.

Binubuo ng apat na gusali at fully landscaped plaza ang Business Hub and Center na nagkakahalaga ng Php1.5-Billion. Dalawa sa mga ito ang 5-storey buildings na inilaan para sa BPO o ICT-related enterprises na may private offices and commercial areas.

Nakumpleto noong February 28, 2017 ang BPO building 1 na pinasinayaan kahapon, March 8, 2017 sa pangunguna ng matataas na opisyal ng Malaysian government, Alloy MTD, Bases Conversion and Development Authority, Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija, at lokal na pamahalaan ng lungsod ng Palayan.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang konstruksyon ng BPO building 2 at isang 5-storey building business hotel with 2-storey commercial complex.  – ulat ni Clariza de Guzman

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s