Proyektong USAD, nailunsad na sa 19 na Munisipalidad sa Nueva Ecija

Patuloy na ibinababa sa mga Munisipalidad ng Nueva Ecija ang Proyektong USAD o United Stand Against Dangerous Drugs ng Nueva Ecija Police Provincial Office, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan at ng iba’t ibang ahensya, sektor at Local Government Units.

Sa buong Lalawigan, labing syam na Munisipalidad na ang naaabot ng naturang proyekto na naglalayong puksain ang iligal na droga sa pamamagitan ng makatao at may malasakit na pamamaraan.

Ang mga munisipalidad na ito ay kinabibilangan ng Cuyapo, Nampicuan, Rizal, Gabaldon, Sto. Domingo, Talugtug, Licab, Quezon, Cabiao, Carranglan, San Jose City, Lupao, Science City Of Muñoz, Llanera, Pantabangan at kamakailan ay inilunsad ang USAD sa Convention Center, Palayan City na dinaluhan ng bayan ng Laur, Bongabon at General Natividad. Habang kahapon ay inilunsad naman ito sa bayan ng Aliaga.

Sa magkatuwang na effort ng NEPPO at Provincial Government ay ibinababa ang USAD Project sa LGU’s upang ang mga drug users at pushers na sumuko na ay tuluyan ng makapagbagong buhay at maibalik bilang kapakipakinabang na mamamayan.

Sinabi ni Ronnel S. Ubungen, Local Government Operations Officer II, DILG Provincial Office, marami sa mga surrenderees ang bumalik sa ipinagbabawal na gamot matapos suspendihin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Oplan Tokhang ng kapulisan.

Sa pagbabalik aniya ng Oplan Tokhang ay mananatili pa rin ang proyektong USAD na magiging katuwang ng kapulisan upang sugpuin ang iligal na droga. -Ulat ni Jovelyn Astrero

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s