Pagkuha sa serbisyo ng Regent Blue Force Service, binusisi; Regent Blue Force Service, hindi hawak ang recording ng CCTV sa City Hall

Binusisi ng Sangguniang Panlungsod ng Cabanatuan ang pagkuha ng serbisyo ng City Government sa Regent Blue Force Services Inc. bilang Security Agency sa Ika-Siyam na Regular Session.

Sa unang pagbasa, lumabas na hindi kontrolado ng Regent Blue Force ang operations at recording ng CCTV o Closed-Circuit Television ng City Hall.

Ayon sa kinatawan ng Regent Blue Force na si Elen De Jesus, taong 2009 ng unang magkaroon ng kontrata ang kanilang kompanya sa City Government. Matapos ang pitong taon ay muling kinuha ang kanilang serbisyo.

Sa kanilang kontrata, bumibilang ng anim na pu’t dalawa ang nakatalagang Security Guards sa City Government. Habang, walong Security Guards lamang ang naka-deploy  sa labing dalawang pasilidad ng City Hall. Isa sa Entrance, dalawa sa Treasurers Office at dalawa rin sa opisina ng City Disaster Risk Reduction Management Office at wala sa Sanggunian.

Base sa kontrata, lumilitaw na P9,797 kada buwan ang sweldo ng bawat isang Security Guard. Kung susumahin sa anim na pu’t dalawang Guard, pumapatak ng mahigit anim na raang libong piso ang ibinabayad ng City Government sa Regent Blue Force Services buwan-buwan.

Dagdag pa ni Vice Mayor Anthony Umali, kung ganito kalaki ang halagang inilalabas ng Lokal na Pamahalaan sa naturang ahensya. Paano naman nakasisiguro ang City Government pagdating sa kanilang serbisyo?

Nakakadismaya aniya na malaman na hindi malinaw ang kasunduan sa kontrata. Lalo na, ang pinaguusapan dito ay ang seguridad at mga mahahalagang dokumento sa City Hall.

Noong February 09, 2017, nagsimula ang kontrata ng naturang kompanya. –Ulat ni DANIRA GABRIEL

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s