Mga bayan ng Licab, Quezon, Talugtug, sama-samang tumindig vs illegal na droga

Sama-samang tumindig laban sa illegal na droga ang mga bayan ng Licab, Quezon, at Talugtog bilang pagtugon sa United Stand Against Dangerous Drugs project ng Nueva Ecija Provincial Police at pamahalaang panlalawigan .

Sa paglulunsad ng USAD, nagpamalas ng buong suporta ang mga pamahalaang bayan at mga barangay ng Licab, Quezon, at Talugtog.

Ang mga bumubuo sa local government agencies and stakeholders ng Quezon habang lumalagda sa Pledge of Commitment ng proyektong USAD.

Layunin ng pagpapatupad ng  proyekto na maging drug free ang probinsiya sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagpapalakas sa iba’t ibang sektor ng lipunan upang tugunan ang problema sa droga.

Sa bawat lugar na binababaan ng USAD, ipinaliliwanag ang epekto ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot sa kalusugan ng isang tao; relasyon sa kanyang pamilya, at komunidad na kinabibilangan; gayundin ang paglalatag ng community-based programs ng gobyerno para sa mga drug surrenderers kabilang ang paggamot at pagbibigay ng kabuhayan sa mga ito.

Patuloy na ipiniprisenta sa kasalukuyan ng kapulisan at pamahalaang panlalawigan sa katauhan ng kinatawan ni Governor Czarina Umali na si Dr. Abraham Pascua ang USAD project sa mga lungsod at munisipalidad.- ulat ni Clariza de Guzman

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s