FLOAT PARADE NG NEUST, INAABANGAN TAUN-TAON

Sa pagdiriwang ng Ika-19 na anibersaryon ng Nueva Ecija University of Science and Technology, hindi mawawala ang parada ng float na dinisenyohan ng mga palamuting yari sa mais na ginawa ng mga estudyante at mga guro ng unibersidad

Nag-gagandahang float na dinesenyuhan na mais, ipinarada sa ika-19 ng neust

Kasama sa pumarada ang Neust Brassband, Cict street Dancers at ang Gabaldon Campu Senior High School Street Dancers

Ayon kay President Feliciana P. Jacoba, nagpapasalamat siya sa lahat ng lumahok sa naturang aktibidad at sa suporta ng mag aaral ng Neust.dagdag pa niya na patuloy na kumikilos ang adminstrasyon kasama ang mga faculty and staff ng university  para tumaas ang antas ng kanilang edukasyon na makukuha ng bawat mag-aaral sa unibersidad.

Taun-taon din ay nagkakaroon ng Blood Letting ang Neust, noong nakaraang taon ay naging Most Outstanding Blood Donor ang unibesidad katulong and Red Cross of the Philippines Nueva Ecija Chapter.

Boluntaryong nag donate ng dugo ang bawat mag aaral ng kolehiyo, maging ang mga guro katuwang ang pnp ng Nueva Ecija para sa adbokasiya ng paaralan na makatulong upang makapagligtas ng buhay.

-Sa Ulat ni Phia Sagat