Brgy. Health Station and Birthing Facility sa Bagting Gabaldon, napakikinabangan na

   Libre ng nakakapagpacheck up ang mga buntis at libre ring nababakunahan ang mga bata sa Brgy. Bagting, Bayan ng Gabaldon dahil sa Brgy. Health Station and Birthing Facility na ipinagkaloob sa kanila ng Department of Health.

   Ayon kay Kapitan Edwin Lacandoza, hindi pa man fully operated ang naturang Birthing Facility dahil wala pang Doctor na nakatalaga dito ay malaking tulong na rin ito sa kanila dahil sa mga serbisyo tulad ng libreng vitamins at libreng konsultasyon para sa mga buntis.

Napapakinabangan na ng mga mamamayan ng Barangay Bagting sa Bayan ng Gabaldon ang Barangay Health Station and Birthing Facility na ipinagkaloob ng Department of Health

Napapakinabangan na ng mga mamamayan ng Barangay Bagting sa Bayan ng Gabaldon ang Barangay Health Station and Birthing Facility na ipinagkaloob ng Department of Health

   Dagdag nito, may kalayuan ang kanilang barangay sa bayan kung nasaan ang mga health center at hospital, kaya sa tuwing darating ang emergency ay natatagalan pa bago sila makarating sa pagamutan.

   Naitayo ang Brgy. Health Station and Birthing Facility noon pang nakaraang taon, at nitong buwan ng Pebrero ay pormal na itong nai-turn over sa pangunguna ng DOH at ni Mayor Rolando Bue, sa pamamahala at pangangalaga ng Barangay.

   Sa kasalukuyan ay may dalawa ng midwife at nurse ang nakaduty doon upang maghatid ng serbisyo hindi lamang sa Brgy. Bagting kundi maging sa mga kalapit na barangay.

   Nagpasalamat naman si Kapitan Lacandoza sa DOH at sa Pamahalaang Bayan ng Gabaldon sa pagkakaloob sa kanila ng Brgy. Health Station at hiling nito na sana ay magkaroon na ng regular na Doktor sa naturang center para sa mas malawak na pagseserbisyo para sa kanyang mga kabarangay. –Ulat ni Jovelyn Astrero