BARANGAY IMELDA INILAMPASO ANG CARIDAD SA INTER BARANGAY

  Sa 1st quarter pa lamang  ay dikdikan na ang naging laban ng Barangay Imelda at Caridad, kung saan llamado kaagad ang unang team ng lumamang ito ng labing-apat na puntos.

Tinalo ng Barangay Imelda ang Barangay Caridad

Tinalo ng Barangay Imelda ang Barangay Caridad

  Pagpasok ng second quarter ay naging mainit na ang laro sa loob ng court sa sunod-sunod na pag shoot ng bola sa ring ng bawat manlalaro, hanggang sa umabante ng labing anim na puntos ang Imelda at natambakan ang Caridad sa score na 35/19.

  Sa ikatlong bahagi, patuloy na humataw ang Team Imelda dahil sa sunud-sunod na pagpasok ng bola ng koponan kaya nahirapan nang makahabol ang Barangay Caridad sa score na 63/25.

  Mas lalong naging gitgitan ang naging laro sa loob ng court sa final quarter, dahil ninais na makahabol ng Barangay Caridad pero mas lumakas ang depensa ng mga manlalaro ng Imelda.

   Nagtapos ang laban sa score na 84/52, pabor sa barangay imelda.

  Sa ikalawang laro naman ay nagwagi ang barangay mayapyap norte  kontra Barangay Dalampang sa score na 64/58.

BARANGAY IMELDA INILAMPASO ANG CARIDAD SA INTER BARANGAY

  Ayon kay Sports And Game Inspector 1 ng Provincial Government na si Purificacion Jumaquio, mas dumami ang mga Barangay na sumali sa Inter-Barangay League kumpara noong nakaraang taon. Sa bawat distrito ay dalawang team ang papasok sa Finals ng Inter-Barangay.

   Samantala, sa first game ay na default ang Barangay Calawagan dahil hindi umano sumipot ang team sa kanilang schedule, kaya awtomatikong nanalo ang Barangay Bakod Bayan.-Ulat ni Phia Sagat