BAGONG TAYONG NIGHT MARKET AT PLAZA, TAMPOK NA BAGONG PASYALAN SA GAPAN CITY

BAGONG TAYONG NIGHT MARTKET AT PLAZA SA GAPAN CITY, NAGING LIBUTAN NG MGA GAPANUENO

BAGONG TAYONG NIGHT MARTKET AT PLAZA SA GAPAN CITY, NAGING LIBUTAN NG MGA GAPANUENO

   Naging pasyalan ngayon ng mga Gapanueno ang bagong tayong night market at plaza sa bayan ng Gapan, kung saan magi-enjoy ka sa ibat-ibang uri ng pag-kain at magandang tambayan ng mga pamilya, mag kabarkada, mag-kasintahan at iba pa.

   Kagaya nalang ni Kim Allen na nakatira sa Sto Nino Gapan City, masaya siya dahil ngayon lang nagkaroon ng magandang pasyalan ang kanilang lugar.dagdag pa nya na bilib siya sa kanilang Mayor na si Emeng Pascual sa ginagawa nito upang pagandahin at pagyabungin ang Gapan City.

   Ayon naman kay Jackielyn mMnlapaz, taga pamahala ng Plaza at Night Market, nagkaroon ng ganitong pasyalan upang mapasaya at maibalik ang pasasalamat ng kanilang mayor sa mga residente ng kanilang lugar. Nais din ng kanilang butihing mayor na mapaganda at mapaunlad pa ang Gapan City.

   Kuwento naman ni Sun Galvarez, isa sa mga nagtitinda sa night market, simula ng nagtayo ng night market ay marami ng mga tao ang nagpupunta dito at nagkaroon na ngayon ng buhay ang gapan, di tulad ng nakaraang administrasyon.

BAGONG TAYONG NIGHT MARKET AT PLAZA, TAMPOK NA BAGONG PASYALAN SA GAPAN CITY

   Kahit na hindi pa kompleto ang mga paninda at bilihin dito ay talaga namang pinupuntahan na ng mga tao. Bukas ang night market hanggang ala una ng madaling araw at ang plaza naman ay hanggang 11 pm lamang. Kaya mga Novo Ecijano kung nais niyong mag foodtrip at makamasyal punta na kayo sa Gapan City Plaza. -Ulat ni Phia Sagat

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s