60 na pamilya sa Llanera, nakatanggap ng Sari-Sari Store Starter Kit mula sa DOLE

   Animnapung pamilya ang nabigyan ng panghanap-buhay sa bayan ng Llanera sa ilalim ng Integrated Livelihood and Emergency Employment Program ng DOLE o Department of Labor and Employment, sa pakikipagtulungan ng Public Employment Service Office at Pamahalaang Lokal ng naturang bayan.

   Layunin ng programang ito na makapagbigay ng panimulang puhunan sa mga nangangailangan, kung saan prayoridad ang mga mahihirap na pamilya at mga walang trabaho.

   Aabot sa tatlong daang libong piso ang ipinagkaloob na pondo sa bayan ng Llanera, bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng Sari-sari Store Starter Kit na nagkakahalaga umano ng limang libong piso.

   Sagot naman ng Pamahalaang Bayan ang pagsasagawa ng training at monitoring sa mga benepisyaryo upang mapalago ng mga ito ang kabuhayan na naipagkaloob sa kanila.

   Samantala, sa Bayan pa rin ng Llanera, on-going na ang Mobile Passport Service para sa bagong aplikante at mga magrerenew.

   Nagsimula ito kahapon February 20 at matatapos sa March 17, 2017, habang sa April 1 naman ang personal appearance.

   Para sa mga nagnanais na mag-apply at magrenew dalhin lamang ang mga sumusunod:

  • Duly accomplished Application form
  • Original Copy of PSA Birth Certificate
  • Photocopies of Valid ID’s
  • PSA Marriage contract para sa mga kasal na
  • Photocopies of Supporting documents
  • Long brown envelope