KAUNA-UNAHANG GINANG PALENGKE, INILUNSAD NG DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

  Siyam na kalahok ng ibat-ibang bayan sa Nueva Ecija ang nagpakita ng kakaibang husay sa pagrampa sa kauna-unahang Ginang Palengke 2017 na ginanap sa sm Mega Center, Cabanatuan city kahapon.

   Rumampa ang siyam na kalahok suot ang kani-kanilang nagsesexihang casual attire.

Siyam na Ginang nagpakita ng galing sa pagrampa sa kauna-unahang ginang palengke na inilunsad ng department of trade and industry sa lungsod ng Cabanatuan.

Siyam na Ginang nagpakita ng galing sa pagrampa sa kauna-unahang ginang palengke na inilunsad ng department of trade and industry sa lungsod ng Cabanatuan.

  Matapos ang pagrampa, nagpakita naman ang mga ito ng isang intermission number.

   Sumunod naman ay ipinamalas ang kanilang mga talento.

   May kumanta, sumayaw at mayroon ding nagpakita ng talento sa pag-guhit.

IBAT-IBANG TALENTO, IPINAMALAS NG SIYAM NA LUMAHOK SA GINANG PALENGKE 2017.

IBAT-IBANG TALENTO, IPINAMALAS NG SIYAM NA LUMAHOK SA GINANG PALENGKE 2017.

  Nang lumabas na ang siyam na kalahok ay nabigla ang marami sa nagbobonggahan at naglalakihan na ibat-ibang disenyo na kanilang suot batay sa kung anong patok o maskilala sa kanilang lugar.

   Marami rin ang humanga ng dumako na ang mga ito sa Question and Answer Portion.

   Tila lahat ay kahanga-hanga ang kanilang mga sagot ngunit nangibabaw ang kasagutan ni candidate number one na mula sa bayan ng Rizal.

   Ibinato sa kaniya ang tanong kung ano ang katangian ng isang ginang palengke at bakit.

   At sa huli ay siya rin ang itinanghal bilang ginang palengke ng nueva ecija 2017.

   Kabilang rin sa mga award na kaniyang nasungkit ay ang Salon De Albolaryo.

   4life Transfer Factor, Skinline Spa Salon, Enrique Ccampo Hair Salon, Laybare Waxing Salon at Gallery Award.

   Tumataginting sa sampung libong piso ang naiuwi ni Ginang Jaen, candidate number 06 kung saan ay itinaghal ito bilang 3rd runner-up.

   Labin g limang libong piso para kay Ginang Cuyapo, candidate number two, na naguwi naman ng 2nd runner-up

   Twenty Thousand pesos ay napagwagian naman ni Ginang Talavera candidate number five, kung saan ay itinanghal bilang 1st runner-up

   Pinatunayan ng mga ginang na ito na hindi lang mga kabataan ang mayroong kakayanan na gawin ang pagsali sa mga ganitong paligsahan.

   Samantala, sa naguwi naman ng Ginang Palengke ay tungkulin nito na alagaan ang korona upang sa susunod na taon ay kaniya naman itong isasalin sa susunod na tatanghalin bilang Ginang Palengke 2018. Ulat ni Myrrh Guevarra.

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s