Comelec Satellite Registration sa mga barangay ng Talavera, umaarangkada; Mahigit 2,000 residente, makakaboto na

   Mahigit sa dalawang libong mamamayan ang makakaboto na sa susunod na eleksiyon, dahil sa isinagawang Comelec Satellite Registration sa mga barangay, sa bayan ng Talavera.

   Mahigit sa dalawang libong mamamayan ang makakaboto na sa susunod na eleksiyon, dahil sa isinagawang Comelec Satellite Registration sa mga barangay, sa bayan ng Talavera.

   Isa na si Marites, trenta’y tres anyos, tubong Masbate, aniya, ang paglipat niya sa Nueva Ecija at kakulang ng mga kinakailangan na dokumento ang naging dahilan kaya’t natagalan ang kaniyang pagpaparehistro.

   Ang pag-tatama naman ng kaniyang birth date at middle initial ang pinabago ni Ruel upang muling makaboto.

   Ang hindi pagboto ni Mang Ronilo sa loob ng dalawampu’t limang taon na pagtatrabaho sa ibang bansa, ang naging dahilan kung bakit wala na sa listahan ang kaniyang pangalan. Dalawang eleksiyon lang kasi na hindi pagboto ay buburahin na ito sa listahan ng mga rehistradong botante.

   Ang mga Satellite Offices ay maaring tumanggap ng mga aplikasyon para sa registration, transfer, reactivation, correction o pagpapalit, reinstatement at inclusion sa list of voters.

   October 3, 2016, nagsimula ang COMELEC na nagdaos ng Satellite Registration sa bawat barangay sa bansa at patuloy itong iikot hanggang sa April 29, 2017, mula alas-otso ng umaga hanggang ala-singko ng hapon.

   Makipag-ugnayan lamang sa inyong mga Punong Barangay o tanggapan ng COMELEC sa inyong lugar. -ULAT NI DANIRA GABRIEL