DepEd-NE, nakasungkit ng 4 gold medals sa CLARAA 2017

   Nakasungkit na ng apat na gold medals ang mga atleta ng DepEd Nueva Ecija sa ginaganap na CLARAA meet 2017 sa Bulacan as of February 7, 2017.

   Sa ikalawang araw ng palaro, nanalo ng apat na gintong medalya ang mga kabataang manlalaro ng lalawigan; dalawa  sa Athletics, tig-isa sa Archery at Men’s Artistic Gymnastics.

   Pinaghandaan ng maigi ng DepEd Nueva Ecija ang pagsabak sa laban CLARAA ngayong taon katuwang ang Provincial Local School Board sa pangunguna ni Governor Czarina Umali.

Mahigit 400 atleta ng DepEd-Nueva Ecija ang lumahok sa CLARAA meet 2017 na ginanap sa Malolos City, Bulacan.

Mahigit 400 atleta ng DepEd-Nueva Ecija ang lumahok sa CLARAA meet 2017 na ginanap sa Malolos City, Bulacan.

   Ayon sa mga coaches and trainors na aming nakapanayam, halos buong taong nag-eensayo ang mga bata.

   Malaking tulong umano ang Php9.3-Million na pondong inilaan ng PLSB na ginastos para sa mga kasuotan ng mga atleta at kagamitan para sa pagsasanay na inangkat pa mula sa iba’t ibang bansa.

   Kaya naman lubos ang kanilang pasasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan at iba pang lokal na pamahalaan dahil sa suporta at pagbibigay ng lahat ng pangangailangan ng delegasyon ng Nueva Ecija sa paglahok sa CLARAA 2017.

   Nakakuha rin ang mga manlalarong Novo Ecijano ng tatlong silver at isang bronze medals sa laban sa Women’s Artistic Gymnastics; dalawang silver at isang bronze sa Men’s Artistic Gymnastics; at isang bronze na medalya para sa Archery.- ulat ni Clariza de Guzman