19 Catholic schools ng diocese of Cabanatuan, tinalakay ang mga isyu sa climate change, HIV, at EJK

   Tinalakay ng mga lider mag-aaral mula sa labing-siyam na Catholic schools sa ilalam ng diocese of Cabanatuan ang mga isyung panlipunan na kinakaharap ng bansa tungkol sa climate change, pagkalat ng sakit na HIV/ AIDS/ Human Sexuality, extra-judicial killings, at death penalty.

   Sa ikaapat na araw na selebrasyon ng Cabanatuan Catholic Educational System encounter na ginanap sa College of the Immaculate Conception ay naglunsad ng concurrent session na hinati sa tatlo base sa antas ng mga estudyante.

   Ipinaliwanag ni Reverend Father Jacinto Beltran, Director, Diocesan Office for Ecological Concerns, sa elementary students ang problema tungkol sa pagbabago ng klima at kung paano ito nakaapekto sa ating kapaligiran.

Isa ang pagbabalik ng death penalty sa Pilipinas  sa mga maiinit na usaping tinalakay ng mga lider mag-aaral ng Catholic schools sa ilalim ng diocese of Cabanatuan, Nueva Ecija.

Isa ang pagbabalik ng death penalty sa Pilipinas  sa mga maiinit na usaping tinalakay ng mga lider mag-aaral ng Catholic schools sa ilalim ng diocese of Cabanatuan, Nueva Ecija.

   Ayon kay Dr. Amy Fe Juane, Vice President for Academic Affairs ng CIC, naniniwala sila na sa murang edad ay dapat nang imulat ang kamalayan ng mga batang mag-aaral sa usaping pangkalikasan upang magkaroon sila ng bahagi upang sagipin ito sa pagkasira para na rin sa kanilang kinabukasan at ng susunod na henerasyon.

   Binigyan naman ng impormasyon tungkol sa HIV/ AIDS/ Human Sexuality ang mga Junior and Senior High School Students at kung paano mapipigilan ang paglaganap nito lalo na sa mga kabataang nasa edad kinse hanggang bente kwatro.

   Habang ibinahagi naman ni Reverend Father Aldrin Domingo, Commissioner, Diocesan Social Action, sa mga estudyante ng kolehiyo ang pananaw ng simbahang katoliko kaugnay ng EJK at panukalang pagbabalik sa parusang kamatayan na pinagde-debatehan sa senado.

   Paliwanag ni Dr. Juane, binubuksan nila ang kaisipan ng mga kabataan tungkol sa mga maiinit na isyu sa ating bansa hindi upang kalabanin ang gobyerno kundi para maunawaan nila ito at makatulong sa pagsusulong ng positibong pagbabago. – ulat ni Clariza de Guzman

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s