PREMIERE MEDICAL CENTER, KAUNA-KAUNAHANG PRIBADONG HOSPITAL NA NAPILI NG PHILHEALTH NA MAGING Z BENEFITS PROVIDER

   Napili ng Philheath na maging katuwang ang Premiere Medical Center bilang Z Benefits Provider, ang Premiere ang kauna unahang pribadong hospital sa Nueva Ecija na makakatulong sa mga Cancer Patient.

   Nagkaroon ng Contract Signing Ceremony ang Philhealth katuwang ang Premiere Medical Center na napili bilang Z Benefits Provider.

Napili ng Philhealth na maging Z Benefits Provider ang Premiere Medical Center.

Napili ng Philhealth na maging Z Benefits Provider ang Premiere Medical Center.

   Ang Z Benefits ay mga benepisyong nakalaan para sa mga taong may malubhang sakit na nangangahulugan ngmagastos at mahabang panahon na gamutan.

   Kabilang sa mga sakit na sakop ng  Z Benefits package ng Premiere Medical Center ang Acute Lymphocytic Leukemnia for Children na nagkakahalaga ng 210,000 pesos, Early Stage of Breastcancer 100,000 pesos at Cervical Cancer para sa Low dose nagkakahalaga ng 120,000 pesos at 175,000 pesos naman para sa High dose or Linear Accelerator.

   Bukod sa tatlong Z Benefits Package mayroon pang ibang benepisyo na maaaring mapakinabangan isa na dito ang Coronary Artery Bypass Graft , Tetralogy of Fallot, Ventricular Septal Defect , Prostate Cancer, Colon Cancer,Rectum Cancer, Kidney Transplantation, Z Morph External Lower Limb Prosthesis, Pd First Z Benefits, Hip Replacement, Fractures Around the Hip at Femoral Shaft Fractures.

   Ayon kay Reynaldo Yang, Presidente ng Premiere Medical Center na ang gusto ng naturang hospital ay magbigay ng mahusay na serbisyo sa mga may karamdaman.

   Lahat ng Eligible Members ng Philhealth ay maaaring makinabang sa Z benefits.

   May mga kondisyon na dapat gawin upang maavail  ang Z Pakages tulad ng Approved Pre-Authorization at Monthly Contributions, siguraduhin rin na updated ang inyong records.

   No balance billing policy o walang dagdag bayad para sa mga Indigent, Sponsored, kasambahay members ng Philhealth.  -Ulat ni: Majoy Villaflor