Former Governor Umali, sinagot ang isyu sa PDAF scam

   Personal na sinagot ni Former Governor Aurelio Umali ang isyung ibinabato sa kanya patungkol sa diumano’y pagkakaroon ng anomalya sa paggamit ng kanyang Priority Development Assistance Fund noong taong 2005 na nanunungkulan siya bilang Congressman ng 3rd District ng Nueva Ecija.

   Sa ginanap na oath taking ceremony ng new set of officers ng Nueva Ecija Press Club Incorporated kung saan nagsilbing guest speaker ang kabiyak ni Governor Czarina Umali, itinanggi nito na kilala niya si Janet Napoles na itinuturong mastermind sa pork barrel scam at iniuugnay sa diumano’y maling paggamit ng kanyang Php15-Million worth of PDAF.

Si Former Governor Aurelio Umali habang kapanayam ng local media tungkol sa isyu ng PDAF scam.

Si Former Governor Aurelio Umali habang kapanayam ng local media tungkol sa isyu ng PDAF scam.

   Nilinaw ni Atty. Umali sa harap ng media na ang Php12-Million ng nasabing halaga ay parte ng GMA o Ginintuang Masaganang Ani program na ipinatupad sa buong bansa, habang ang natitirang tatlong milyong piso lamang ang galing sa PDAF. Wala rin aniya siyang pinirmahang MOA o Memorandum of Agreement.

   Matatandaan na bago magtapos ang 2016 at pagpasok ng bagong taon ay kabi-kabilang balita ang naglabasan tungkol sa nasabing isyu.

   Komento ni Umali, biktima siya ng “trial by publicity” dahil sa hindi makatotohanang pagbabalita ng ilang mamamahayag. Noong una ay atubili umano siyang humarap sa media pero sa huli ay mas pinili niyang ibigay ang kanyang panig upang ituwid ang mga naglabasang balita.- ulat ni Clariza de Guzman