2ND SEMESTER ALLOWANCE SA MGA COLLEGE SCHOLAR SA BAYAN NG ZARAGOZA, IBINIGAY NA

  Natanggap na ng isang daan at limamput pitong College Scholars sa bayan ng Zaragoza ang kanilang 2nd semester allowance mula kay Mayor Lally Belmonte Espiritu.

Natanggap na ng 157 College Scholars ang tulong financial na ibinigay ng kanilang punong bayan

Natanggap na ng 157 College Scholars ang tulong financial na ibinigay ng kanilang punong bayan

  Bawat estudyante ay nakakakuha ng dalawang libong piso kada semestre na pandagdag bayad sa tuition fee sa eskwelahan.

  Nagpasalamat si Michelle Ventura, i.t student sa Nueva Ecija University of Science and Technology, dahil sa natanggap na allowance mula sa kanilang punong bayan at malaking tulong aniya  ito sa kanyang pag-aaral.

  Ayon naman kay Joy Agustin, masaya ito dahil may pandagdag na siya sa allowance para sa kanyang pag-aaral.

   Nagpasalamat din ito kay Mayor Lally dahil sa tulong finanacial na ipinagkaloob nito.

  Makikita naman sa mga mukha ng mga estudyante ang kasiyahan dahil sa tulong na iniabot sa kanila ng pamahalaang lokal ng bayan ng Zaragoza. Ulat ni Phia Sagat

Ano'ng Tingin Mo?

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s